Calendar

Babaeng factory worker patay sa pamamaril; sikyu hina-hunting
BINARIL umano ng isang security guard nitong Martes ang isang babae sa loob ng kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Angeles City police Acting director Col. Joselito Villarosa Jr.ang biktima na si Rona, 32, factory worker at residente ng Bgy. Cuayan, Angeles City.
Ayon kay Villarosa,ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek na si alyas Dario, 34, security guard ng Bgy. Cuayan, Angeles City, dumating sa bahay ng biktima sakay ng itim na motorsiklo.
Pumasok ang suspek sa loob ng bahay ng biktima at makalipas ang ilang minuto, tatlong putok ng baril ang narinig bago nakita ang suspek na nagmamadaling lumabas ng bahay at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo patungong Bgy. Manuali, Porac, Pampanga.
Nakita ng mga rumespondeng pulis ng Angeles City sa lugar ang walang buhay na biktima na nakahiga sa kama na may tama ng bala sa ulo at dalawang bala ng .38 pistol.
Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.