Calendar

Overseas Filipino Workers
Babaeng mula Negros Occ, nakumpirmang nasawi rin sa Israel
Peoples Taliba Editor
Oct 13, 2023
306
Views
ISA pang Pilipino ang kumpirmadong nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Inanunsyo ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega ang masamang balita sa isang briefing sa Malacañang.
Ayon kay de Vega ang nasawi ay isang 49-anyos na babae mula sa Negros Occidental. Naipagbigay-alam na umano ito sa pamilya ng nasawi.
Ang nasawi ay isang caregiver na dadalo umano sana sa music festival sa Sukkot ng umatake doon ang Hamas.
Nauna ng kinumpirma ng DFA na dalawang Pilipino ang nasawi sa naturang pag-atake.
OFW Hospital 3 taon na
May 2, 2025
Villar top priority proteksiyon ng OFWs
May 2, 2025