Calendar

Babaeng rider naipit sa gulong ng trak, pisak
TIGOK ang babaeng rider habang tatlo ang sugatan nang pumailalim at maipit ng gulong ang rider sa trailer sa Taguig City noong Miyerkules.
Todas agad ang 25-anyos na si alyas Jenny habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang babaeng ka-angkas.
Batay sa ulat kay acting Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo, naganap ang aksidente pasado alas-4:00 ng hapon habang binabaybay ng tatlong motorsiklo ang southbound lane ng C-5 Road kasunod ang Fuso trailer truck.
Pagsapit sa tapat ng Korean Embassy, nawalan umano ng preno ang trailer truck at inararo ang tatlong motorsiklo hanggang makaladkad ang sinasakyan ng nasawi at sumailalim hanggang maipit sa unahang gulong ang dalawang babae.
Nadakip ng mga nagrespondeng pulis ang driver ng truck na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury at damage to property sa Taguig City Prosecutor’s Office.