Suspek Himas-rehas ang suspek na nagnakaw ng handbag at natunton ng mga pulis sa Paco, Manila.

Bag hinablot; nanghablot arestado

Jon-jon Reyes May 11, 2026
19 Views

EvidenceTIMBOG ang lalaki ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) matapos nakawin ang bag ng babae habang ka-date ang boyfriend sa Rizal Park noong Linggo.

Nakilala ang suspek na alyas Angelo, 28.

Ayon sa report ng pulis, bandang alas-2:25 ng hapon ng agawin ng suspek ang bag ng biktimang si alyas Alyssa, 31, habang nagde-date kasama ang kanyang partner.

Nang matanggap ang ulat, rumesponde sina P/Cpl. Marco Talaguit at Pat Roben De Guzman.

Natunton nila ang lokasyon ng suspek sa pamamagitan ng GPS.

Nakita ng mga pulis ang suspek sa 2nd floor ng Paco Mall sa Paco, Manila at kinilala ng saksi na siyang kumuha ng shoulder bag ng biktima.

Narekober mula sa suspek ang peach shoulder bag na may halagang P3,500 at naglalaman ng pouch bag at Galaxy buds na nagkakahalaga ng P9,000.