Calendar
Bagong LTFRB board member nanumpa
ITINALAGA bilang pinakabagong board member si Atty. Greg Pua ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza III, dagdag na puwersa ang pagtatalaga kay Pua sa pagpapatupad ng mga reporma at programa ng LTFRB na kinakailangan upang epektibong maisakatuparan ang mandato nito.
“Napatunayan na niya ang kanyang kakayahan bilang executive director ng Land Transportation Office. Buo ang aking tiwala sa kanyang kakayahan bilang miyembro ng LTFRB,” sabi ni Chairman Mendoza matapos manumpa si Pua sa harap ni Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez.
Nagsilbing executive director ng LTO si Atty. Pua mula pa noong mid-2023.
Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pagtatalaga kay Pua bilang miyembro ng LTFRB Board.
Sa pagkakatalaga kay Pua, ipinahayag ni Chairperson Mendoza ang kanyang kumpiyansa na mas mapapabilis ang pagtugon sa mahigit 30,000 backlog ng mga petisyon at mosyon sa LTFRB.
Nakatuon din ang LTFRB sa pagpapatupad ng mga programang magtitiyak ng episyente at maaasahang sistemang pampublikong transportasyon para sa sambayanang Pilipino.

