Calendar
Bagong mayor tapat sa serbisyo
SA unang 100 araw ng panunungkulan ng kauna-unahang babaeng Mayor ng San Jose, Batangas na si Reggie Arada Virtucio, naramdaman ng mga San Joseño ang serbisyo.
Kinilala siya ng DILG-IV A ang bayan bilang isa sa mga SubayBAYANI Awardees.
Patunay ito ng tapat at makatao ang amumuno ng alkalde tungo sa bagong yugto ng serbisyo para sa bayan.
Isang makasaysayang yugto ang sinimulan ng kauna-unahang babaeng mayor ng San Jose, Batangas.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, umigting ang malasakit at pag-asa sa bawat San Joseño na patunay ng Serbisyong Makatao Tungo sa bagong San Jose.
“Ang serbisyo ay hindi tungkol sa posisyon. Ito ay tungkol sa puso — puso para sa tao, ito ay panata para sa bayan, at para sa kinabukasan ng San Jose,” pahayag ni Virtucio.
Binigyang-pokus ng punong-bayan ang mga programang may direktang epekto sa tao — kalusugan, edukasyon, at kabuhayan.
Sa loob ng tatlong buwan, nakita ang mas mabilis na aksyon at mas bukas na pamahalaan.
Bilang pagpapatuloy ng legasiya ng yumaong Vice Kap Noel Virtucio, inspirasyon kay Mayor Reggie ang diwa ng tapat at taos-pusong paglilingkod. “Ang lahat ng ito ay pagpapatuloy ng aming sinimulan,” sabi niya.
Habang nagpapatuloy ang mga proyekto at reporma, nananatiling malinaw ang direksyon ng bagong administrasyon: isang Bagong San Jose na mas bukas, mas maayos at mas makatao.

