Bomb

Paaralan sa Laguna nakatanggap ng bomb threat

Gil Aman Nov 7, 2025
108 Views

HAHAHAHA, hindi ko kayo titigilan mga XXXX kayo, ibigay nyo ang hustisya kung ayaw niyong pasabugin ko ang mga bomba diyan sa school.”

Ito ang nakasaad sa umano’y bomb threat sa isang paaralan sa Biñan City, Laguna.

Huwebes alas-9:11 ng umaga nang iparating ang pagbabanta sa Saint B Michael’s College of Laguna na nasa Barangay Platero ng nasabing lungsod.

Natanggap ito ng Tactical Operations Center ng Biñan Police mula sa official Facebook page ng eskuwelahan sa Laguna dakong alas-2 ng hapon sa pangalang “Dha Dump.”

Nakipagugnayan ang pamunuan ng paaralan sa pulisya sa pamamagitan ng Explosive Ordnance and Provincial Explosive Canine Unit.

Agaran ding ipinatupad ang security measures.

Ikinagulat ng registrar ng eskuwelahan na si alyas “Dina” ang bomb threat.