MPD

Bagong MPD chief tiniyak mga programa para sa kapakanan ng taga-Maynila

Jon-jon Reyes Apr 21, 2026
228 Views

MPD1

MPD2
Nag-courtesy visit sa mga miyembro ng MPD press corps, sa pamumuno ni JonJon Reyes, si P/BGen. Arnold Santiago, acting director ng MPD. Ang pakikipag-ugnayan ay naglalayong palakasin ang partnership, itaguyod ang transparency at palakasin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng MPD at ng media. JONJON C. REYES

TINIYAK ng bagong director ng Manila Police District na si P/BGen. Arnold Casingal Santiago ang pagpapatuloy ng mga programa para sa kapakanan ng mga residente ng Maynila.

Sinabi niya na kanyang tututukan sa unang 100 araw ang pagbawas ng petty crimes at mga krimen laban sa tao at ari-arian, mas pinaigting na police visibility lalo na tuwing rush hour hanggang alas-9:00 ng gabi.

Binigyang-diin din niya ang mas mahigpit na koordinasyon ng mga police community precincts at station commanders sa mga barangay para sa mabilis na crime reporting.

Sinabi ni Santiago na mas ramdam na ngayon ang presensya ng pulis, mas mabilis na pagtugon sa insidente at mas pinatibay na community engagement ang inaasahang resulta ng kanyang pamumuno.

Miyembro ng PNPA Class of 1997 ang bagong MPD chief at isa ring abogado.

Tiniyak ng MPD press corps sa pangunguna ni JonJon Reyes, photojournalist ng People’s Journal, Tonight at Taliba News ang kanilang buong suporta kay Santiago.