Mary Melanie

Bagong mundo ng film producer na si Honey Quiño sa OWWA

Eugene Asis Sep 13, 2022
184 Views

MASASABING miles apart kung ikukumpara ang pagiging isang laywer at movie producer sa pagiging isang public servant. Kung dati ay korte at mga camera sa shooting ang kanyang hinaharap, ngayon ay kakaibang mundo sa kanyang nakasanayan ang kinabibilangan ng lawyer/movie producer na si Mary Melanie “Honey” Quiño.

“Dati kaya ako nag-produce dahil gusto kong bigyan ng break ang new breed of directors and actors. Ngayon nga ay new breed of OFWs ang gusto kong ma-achieve dahil gusto ko ring maiba ang pananaw nila at maramdaman nila na hindi sila nag-iisa

Siya ang bagong OWWA Deputy Administrator for Operations at ang mundo ng mga migranteng manggagawa ang hinaharap niya ngayon. Mula sa pagsalubong sa airport sa mga repatriated distressed na mga kababayan natin hanggang sa mga regional offices ng OWWA ang sakop ng trabaho ni DA Honey.

Pag-aari ni DA Honey ang A&Q Entertainment & Primestream, Inc., A&Q Production Films at AQ Prime. Malaking tulong ang naiabot ng kanyang film outfit sa movieworkers na nabikitima ng pandemic.

Kabilang sa mga nagawa ng kanilang movie outfit ay ang “Nelia” na nagging official entry sa MMFF noong 2021, ang soon-to-be released na “Peyri Teyl” ni Joel Lamangan at “Ligalig” ni Nora Aunor sa direksiyon ni Topel Lee. Meron din silang nagawa na pang-international filmfest entry na “Pura Serbidora” ni Louie Ignacio.

Talagang malaking challenge ang bumungad sa kanya sa bago niyang posisyon pero naging madali ang adjustment dahil na rin isa siyang abogada at kasama pa niya ang kapatid niya sa entertainment industry na naitalaga ni PBBM na bagong OWWA Administrator na si Arnell Ignacio.

“Mahirap noong una mag-adjust dahil bagong mundo ito para sa akin. Mabuti na lang at nandiyan si Admin Arnell na laging nakasuporta sa akin,” pahayag ni DA Honey. Tinitingnan ko siya at very inspiring siya dahil 100% ang kanyang dedikasyon. Sabi ko nga sa sarili ko na mapantayan ko man lang ang sipag ni Admin Arnell ay sobra-sobra na akong fulfilled,” pagwawakas niya.

photo caption:

OWWA Deputy Administrator for Operations Honey Quino at OWWA Administrator Arnell Ignacio