Joel cruz

Joel, namigay ng P2M sa simbahan

Mercy Lejarde Sep 11, 2022
188 Views

TINUPAD ni Aficionado Lord Of Scents Joel Cruz ang kanyang misyon na ipa-renovate ang NSPS Church sa may Calamba Street, Sampaloc, Manila na kalapit lang ng kanyang mansion at Aficionado head office.

Hindi lang niya ipina-renovate kundi nag-donate pa siya ng P2M na galing mismo sa kanyang savings kahit na nagpa-fund-raising concert siya sa mismong kaarawan ni Blessed Virgin Mama

Mary last September 8 sa Metropolitan Theater titled Maria Bukod Kang Pinagpala.

Sina Papa Ahwel Paz at Jackie Marzan ang nagsilbing hosts ng concert na nilahukan ng magkapatid na Rannie at Lance Raymundo at iba pang singers.

Malapit sa puso ng Lord Of Scents Joel Cruz ang naturang simbahan dahil dito siya nag-aral ng kinder at nagtapos nang may honors.

Isang variety show ang unang parte ng concert at mga awit para kay Birheng Maria ang pangalawa. Umawit sina Rannie at Lance na nagbahagi ng pagiging mas malakas na relasyon sa Panginoon nang maaksidente at malampasan ito.

Sa pangwakas, umawit si Jamie Rivera at ginunita ang pagsisimula niya sa Metropolitan Theater.

Bilang tribute at pasasalamat kay Fr. Jerome Secillano, binigyan ito ng Hermana na si Gng. Rose Keyser ng parangal.

Si Joel naman ay ipinagdasal ang tagumpay ng proyekto at nagbigay ng P100,000 kay Fr. Jerome.

Ang pasabog ni Joel nang gabing iyon ay ang pagbati niya sa Mahal na Birhen kasama ang kanyang mga anak at pagbibigay nga niya ng dagdag na P2M.

Sa uwian ay bumuhos ng ulan nang gabing iyon at marahil, ito ay ang mga biyayang tinanggap ng gabing iyon ng mga nag-participate at ‘yung mga nagbigay din ng kani-kanilang donation para ma-renovate ang naturang simbahan ni Blessed Mama Mary.