Artes

Bagong number coding scheme itinutulak ng MMDA

Edd Reyes Apr 12, 2022
275 Views

ITINUTULAK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng bagong number coding scheme upang mabawasan ng 40% ang bilang ng mga sasakyan na bumibiyahe sa mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan.

Sa panukalang scheme, sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na hindi maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ang mga sasakyan na saklaw ng number coding mula alas-5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Ang mga sasakyan na may plaka na nagtatapos sa 1 at 2 tuwing Lunes at Miyerkoles, 3 at 4 kapag araw ng Lunes at Huwebes, 5 at 6 kapag Martes at Huwebes, 7 at 8 kapag Martes at Biyernes, at 9 at 0 kapag MIyerkoles at Biyernes.

Hindi naman kasali ang mga pampublikong sasakyan sa number coding scheme.

Ang panukala ay ipinadala na ng MMDA sa Metro Manila Council na nagsasagawa ng pag-aaral at mag-aapruba nito.

Umaasa ang MMDA na maipatutupad na ang bagong scheme sa Mayo 1.