Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Lacuna

Bagong ospital sa Tondo sisimulan na

Edd Reyes Apr 14, 2025
28 Views

SISIMULAN nang itayo ang bagong building ng Ospital ng Tondo na dinaluhan nina Mayor Honey Lacuna at Congressman Rolan Valeriano ang groundbreaking noong Lunes.

Sinabi ni Lacuna na ang pangkalusugang imprastraktura resulta ng pagtutulungan ng kanyang administrasyon at Cong. Valeriano upang makalikom ng pondo para hindi na kailangang mangutang.

Gagastusan ng P200 milyon ang phase 1 ng anim na palapag na pampublikong pagamutan sa Jose Abad Santos Avenue, Tondo.

“We both found ways to pool resources and expertise, without adding to the debt burden of Manila because we are responsible public servants,” pahayag ni Valeriano.

Magkakaroon ang ospital ng botika, x-ray, emergency room at klinika para sa dental, ophthalmology, OB-Gyne at pediatrics sa unang palapag habang may dalawang operating rooms, post-anesthesia ward at storage rooms sa ikalawang palapag.

May supply room, laundry room at storage sa ikatlong palapag habang nasa ika-apat na palapag ang lobby, female at male wards na may tig-8 higaan, dalawang higaan sa ward at solo room.

Nasa ika-limang palapag ang ICU ward at pedia ward na may tig-8 ring higaan, isolation room at ward na may dalawang higaan.

Nasa ika-anim na palapag ang chemo clinic, rehab clinic; psych clinic; ENT Clinic at doctors’ rooms habang may multi-purpose area naman sa roof deck.

“We are building this new hospital the proper way, according to Department of Health standards.

Hindi tulad ng Baseco hospital na minadali, bagsak sa DOH standards, puro konsumisyon, galing sa utang, at dagdag gastos pa,” sabi ni Mayor Lacuna.