MRT3

Bagong ridership record naitala ng MRT-3

181 Views

NAKAPAGTALA ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ng bagong ridership record noong Agosto 16.

Ayon sa MRT-3 umabot sa 436,388 pasahero ang naserbisyuhan nito sa naturang araw, ang pinakamataas mula noong Hunyo 2020 nang muling magbalik ang operasyon ng rail system matapos itong suspendihin dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang daily average ridership ng MRT-3 noong nakaraang linggo ay 422,000.

Mayroong 18 train sets na tumatakbo sa mainline ng MRT-3 tuwing peak hours, at tatlo hanggang apat na spare trains naman ang maaaring idagdag sa operasyon kung kakailanganin depende sa pangangailangan.

Kapag off-peak ay 15 train set ang tumatakbo.

“Nananatili pong sapat ang bilang ng mga tren ng MRT-3 upang mapagsilbihan ang papaakyat na bilang ng mga pasaherong naitatala natin,” sabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

“Kaya napakahalaga rin po na regular at araw-araw nating isinasagawa ang maintenance activities ng ating mga tren, gayundin ng buong linya, upang matiyak na maayos, ligtas, at iwas-aberya ang biyahe ng ating mga pasahero,” dagdag pa ni Aquino.