Calendar
Bagong show ni Magsino na “OFW, IKAW ANG BIDA” umarangkada na
PORMAL nang inilunsad ang bagong television show ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino sa Sonshine Media Network International (SMNI) na pinamagatang OFW, IKAW ANG BIDA!” para matulungan ang libo-libong Overseas Filipino Workers (OFWs).
Umarangkada na noong August 26, 2023 ang nasabing TV program ni Magsino sa SMNI na pag-aari ni Pastor Apollo C. Quiboloy na naglalayong madagdagan at mapa-igting ang awareness o kamalayan ng mga OFWs. Kabilang na dito pagsasaliksik ng mga solusyon sa kanilang mga problema.
“Iniimbitahan natin ang ating mga kababayan sa buong mundo. Lalo na ang ating minamahal na OFWs na manood ng ating bagong palabas na ang pamagat ay OFW, IKAW ANG BIDA. Dito natin mapapanood ang mga tagos sa pusong mga kuwento ng ating mga OFWs,” ayon kay Magsino.
Sinabi ni Magsino na matutunghayan sa kaniyang TV program ang sari-saring kuwento at karanasan ng mga OFWs na nagta-trabaho sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kasama na dito ang kanilang mapait na karanasan sa kamay ng kanilang malupit na amo at ang iba naman ay biktima ng illegal recruitment.
Binigyang diin pa ni Magsino na nagsisilbi rin bilang “eye opener” ang kaniyang programa para sa national government upang makita nito ang samu’t-saring problemang kinakaharap ng mga OFWs sa ibayong dagat at ang paghahanap ng solusyon para maibsan ang nsabing problema.
Nabatid pa sa OFW Party List Lady solon na mayroon din segment sa kaniyang program ana nagpapakita din ng isinasagawa nilang training at job opportunities na nakalaan at dinisenyo para sa mga OFWs. Alinsunod naman sa kaniyang paniniwala (Magsino) na kailangan ng “full employment” sa Pilipinas para maiwasan ang pangingibang bansa ng mga Pilipino.
“A viewer participation segment also provides practical advice and tips on OFW-related issues and an express help desk for netizens. The show also highlights the OFW Tulong at Serbisyo Center. It also showcases training and job opportunities designed for OFWs,” paliwanag pa ni Magsino.