Calendar

Bagong tayong irrigation system sa San Jose, Tarlac malaking kaginhawahan para sa mga magsasaka — Magsino
TARLAC CITY – Optimistiko si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino na malaking kaginhawahan para sa libo-libong magsasaka ang bagong irrigation system na itinayo sa San Jose, Tarlac.
Pinangunahan ni Magsino ang ginawang pagpapasinaya sa panibagong irrigation system sa naturang bayan kung saan inaasahan na ang proyektong ito ay magbibigay ng sapat na patubig na malaki ang maitutulong para sa mga magsasaka.
Kasabay nito, nagpahayag naman ng solidong suporta ang napakalaking grupo ng mga magsasaka sa Tarlac City partikular na sa bayan ng San Jose para kay Magsino na muling nagtatangkang makuha ang pagiging Kinatawan ng OFW Party List sa Kamara.
Ipinahayag ng grupo ng mga magsasaka na susuportahan nila ang OFW Party List sa pamamagitan ng Kinatawan nito na si Magsino dahil sa kanilang paniniwala na ito ay tunay na naninindigan at nakikipaglaban para sa kapanan ng libo-libong OFWs.
Samantala, dumalo si Magsino sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Balas, Buco Santa Maria National High School sa Talisay, Batangas kasama sina Mayor Nestor Natauan.
Binigyang diin ni Magsino ang mahalagang papel ng edukasyon sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan kung saan hindi rin matatawaran ang kontribusyon ng paaralan sa pag-unlad ng mga kabataang estudyante.