PAGASA

Bagyong Henry lumabas na ng PAR

253 Views

NAKALABAS na ng Philippine area o responsibility (PAR) ang bagyong Henry subalit patuloy umano nitong palalakasin ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo na may international name na Hinnamnor ay nasa East China Sea na.

Nananatili itong malakas at may hangin na umaabot ang bilis sa 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 185 kilometro bawat oras.

Sa pagtataya ng PAGASA, magdadala ng pag-ulan ang Hanging Habagat sa hilaga at kanlurang bahagi ng Northern Luzon at Central Luzon.