Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Nation
Koleksyon ng BOC lagpas sa target
Peoples Taliba Editor
Sep 4, 2022
519
Views
LUMAGPAS sa target ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) noong Agosto.
Ayon sa inilabas na datos ng ahensya, nakakolekta ito ng P78.902 bilyon noong Agosto lagpas ng 34.1 porsyento sa P58.8 bilyong target nito.
Ito na ang ikawalong sunod na buwan na nalagpasan ng BOC ang target nitong makakolekta.
Sa kabuuang halaga na nakolekta, P77.9 bilyon ang mula sa mga collection district ng BOC, P248.2 milyon mula sa Post Clearance Audit Group (PCAG), at P677.4 milyon mula sa Tax Expenditure Fund (TEF).
Mula Enero hanggang Agosto 2022, nakakolekta na ang BOC ng P559.2 bilyon, lagpas ng 35.6 porsyento sa P412 bilyong nakolekta nito sa kaparehong panahon noong 2021.

