MRT7

Bahagi ng Commonwealth isasara para sa ginagawang MRT-7

Neil Louis Tayo Jun 19, 2023
203 Views

ISASARA ang bahagi ng Commonwealth Avenue upang bigyang-daan ang paggawa sa Metro Rail Transit Line 7.

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) at SMC Infrastructure ang pagsasara ng Commonwealth Avenue sa pagitan ng Regalado Avenue at Fairlane Street para sa pagkakabit ng steel structure para sa itatayong Regalado station.

Ang pagsasara ng West Bound land ay magsisimula ng Hulyo 25 hanggang Nobyembre 26 tuwing alas-10 ng gabi hanggang 5 ng umaga.

Ang East Bound lane naman ay isasara mula Agosto 8 hanggang Disyembre 6 mula 10 ng gabi hanggang 5 ng umaga.

“We seek for the public’s cooperation and understanding for the temporary inconvenience, as the government works toward providing permanent convenience and comfort for the Filipino commuters, through enhanced public transport system” pahayag ng DOTr.