MRT3

Marino may libreng sakay sa LRT-2, MRT-3

Neil Louis Tayo Jun 19, 2023
102 Views

BILANG selebrasyon ng Filipino Seafarers Day, makakasakay ng libre ang mga marino sa Light Rail Transit Line 2 at Metro Rail Transit Line 3 sa Hunyo 25.

Ang libreng sakay ay handog ng Maritime Industry Authority (MARINA), sa pakikipagtulungan nito sa Department of Transportation (DOTr) Railway Sector.

Maaari ma-avail ng mga marino ang libreng sakay sa LRT-2 mula alas-7 hanggang 9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Sa MRT-3 naman ay mula alas-5:30 ng umaga hanggang sa matapos ang operasyon nito.

Upang makalibre ng sakay, kailangan lamang magpakita ng valid na Seafarer’s Record Book (SRB) o Seafarer’s Identity Document (SID).