Sunog

Bahay nasunog 3 patay

Bernard Galang May 30, 2025
31 Views

TATLONG menor-de-edad ang nasawi sa sunog noong Biyernes sa Purok 2, Brgy. Bambang, Bulakan.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ang mga nasawi na sina alyas Yara,16; Yani, 14; at Jay, 1.

Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng mga biktima na iniwan ng kanilang ina na pumasok sa trabaho

Rumesponde ang mga bumbero mula sa pangunguna ni FO1 Mike Anthony Cabrera upang maapula ang apoy.

Ayon sa imbestigador ng BFP, ang istraktura ng bahay gawa sa kahoy, semento at bakal.