Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Gumuho

Bahay sa Paco bumagsak, 10 pamilyang nakatira ligtas, walang napisak

Jon-jon Reyes Jul 24, 2025
352 Views
Gumuho1
Ang gumuhong bahay na apat na palapag sa Paco, Manila dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan dulot ng habagat. JONJON C. REYES

GUMUHO ang apat na palapag na bahay na tinutuluyan ng 10 pamilya makaraang lumambot ang lupa na kinatitirikan nito sa Paco, Manila noong Miyerkules.

Dinala sa multipurpose hall ng Brgy. 684 ang 10 pamilya. Gumuho ang bahay dakong alas-2:30 ng hapon na nasa may Estero de Paco sa Santiago St.

Ayon kay Wandy Lubian, isa sa mga nakatira sa nasirang bahay, lumalangitngit ang istraktura at nagbabadya nang guguho anumang oras.

Tumawag ng rescue team ang asawa ni Wandy kaya pinalikas na ang mga nakatira sa naturang bahay.

Ayon sa barangay, matagal na nilang minomonitor ang naturang bahay na gawa sa light materials dahil nakatagilid na ito bunsod ng pag-ulan dulot ng hanging habagat.

Samantala nakatanggap na ng paunang tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang apektadong pamilya sa nangyaring pagguho matapos na puntahan nina MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente ang nasabing lugar.

Ang agarang tulong batay sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.