Calendar
Ang biktima habang ginagamot sa ospital. JONJON C. REYES
Bakal mula sa ginagawang gusali bumagsak sa dalaga; biktima buhay

KASALUKUYANG inoobserbahan sa pagamutan ang isang 23 anyos na babae matapos mabagsakan ng bakal na gamit sa scaffolding mula sa under construction na gusali sa kahabaan ng Quintin Peredes St. ,Binondo, Manila.
Nakilla ang bikima na si alyas ‘Karyme’, 23, dalaga, empleyado at naninirahan sa Copal St., Barangay Malusae, Sta. Rosa, Laguna. Ang kasama nito na nakasaksi sa aksidente ay nakilalang si alyas ‘Jane’, 26, dalaga, at naninirahan sa Isabelle Garden Homes, Paranaque City.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 2:20 p.m. nang mangyari ang insidente.
Ayon sa biktima at saksi, naglalakad sila sa nabanggit na lugar nang may biglang bumakas na malaking metal pipe na ginagamit para sa scaffolding support/bracing at tumama sa mukha at katawan g biktima.
Dinala ang biktima sa Metropolitan Hospital para sa agarang atensyong medikal.
Samantala hinihintay pa ang pahayag ng isang safety officer na kinilalang si alyas Jerane, 39, taong gulang may asawa, ng Mega B. Syrait Construction Consurtium, kasalukuyang naninirahan sa construction site na matatagpuan sa kahabaan ng Quintin Paredez, St., Binondo.

