Calendar
Bakbakan sa N. Samar; 6 na miyembro ng NPA dedo
ANIM na miyembro ng New Peoples’ Army (NPA) ang nasawi matapos makipagbakbakan sa tropa ng military nitong Lunes sa Barangay Paco, Las Navas, Northern Samar.
Batay sa ulat ng Philippine Army’s 8th Infantry Division (ID), nag-ugat ang bakbakan matapos makatanggap ng impormasyon ang militar hinggil sa grupo ng mga rebelde na nangha-harass sa mga residente ng barangay.
Sa pagresponde ng mga sundalo sa lugar ay sinalubong sila ng bala mula sa mga rebelde kaya’t agad na nagkaroon ng bakbakan na tumagal ng ilang minuto.
Bukod sa pagkasawi ng anim na rebelde ay nakakumpiska din ng pitong matataas na kalibre ng baril sa pinangyarihan ng enkwentro.
Napag-alaman na ang kuta ng mga rebelde ay napapalibutan ng landmine .
“Based on the accounts of the encountered government troops, the terrorist’s hideouts were heavily fortified and surrounded by prohibited anti-personnel mines that prompted the troops to call for artillery support. Under the International Humanitarian Law, these anti-personnel mines are prohibited,” pahayag ng Philippine Army.
Napag-alaman din na ang mga nasawing rebelde ay miyembro ng Eastern Visayas Regional Party Committee na sangkot sa serye ng pag-atake sa pwersa ng gobyerno sa lugar.