MPBL Pampanga-Negros war sa MPBL.

Baltazar naka-triple double sa Pampanga

Robert Andaya Jun 7, 2024
165 Views

IPINAMALAS ni Justine Baltazar ang kanyang MVP form matapos muling maka-triple double at pangunahan ang defending champion Pampanga Giant Lanterns sa 104-81 panalo laban sa Negros Muscovados sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.

Ang 6-8 na si Baltazar, na tinanghal na MVP nung nakalipas na taon, ay nagpasiklab sa kanyang ika-dalawang triple-double — 18 points, 17 rebounds at 11 assists — para sa ika-10 sunod na panalo ng Pampanga matapos mabigo sa kanilang unang laro sa 29-team tournament.

Nakatulong ni Baltazar sina Encho Serrano, na may 20 points, four rebounds at two assists; Jeff Viernes, na may16 points at four assists; at Archie Concepcion, na may 13 points, four rebounds at two assists

Tinangka ni Renz Palma na dalhin ang laro para sa Negros sa kanyang 30 points, six assists, five rebounds at two steals.

Ang Muscovados, na bumagsak sa 4-8 win-loss record, ay nakatanggap din ng 13 points, seven rebounds, four assists at two steals mula kay Alvin Capobres at12 points, five rebounds, two assists, two steals at two blocks mula kay James Paul Una.

Ang dating PBA MVP na si Kenneth Duremdes ang MPBL commissioner.

The scores:

Pampanga (104) — Serrano 20, Baltazar 18, Viernes 16, Conception 13, Garcia 6, Corteza 6, Flores 6, Reyson 5, Alcoriza 5, Santos 4, Gob 3, Gozum 2, P.Garcia 0, De Leon 0, Binuya 0.
Negros (81) — Palma 30, Capobres 13, Una 12, Cani 6, Longa 5, Alcaide 4, Atabay 4, Comia 3, Bacay 2, Cruz 2, Geolingo 0, Antiporda 0, Ramos 0, Pascual 0.
Quarterscores: 16-20, 41-29, 69-58, 104-81.