Guo

Bamban mayor pinaiimbestigahan na ni PBBM

Chona Yu May 16, 2024
66 Views

MISMONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang nagpapa-imbestiga sa pagkatao ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa ambush interview kay Pangulong Marcos sa Cagayan de Oro City, sinabi nito na matagal nang iniimbestigahan si Guo.

“Well, matagal na naming inimbestigahan ‘yan, kaya naman nahuli ‘yan eh. Dahil ni-raid natin ‘yung sa Bamban at nakita natin [unclear] nga ‘yung mga dokumento, na kinukwestyon ngayon natin ‘yan, kung talagang totoo ‘tong mga to, at saka pano siya tumakbo ng mayor?” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nakapagtala ayon sa Pangulo na kakilala niya ang lahat ng mga pulitiko sa Tarlac subalit wala sa kanila ang nakakikilala kay Guo at kung saan nanggaling ito.

“Kaya kailangan talagang imbestigahan. So, kasabay ng sa Bureau of Immigration, pati — siguro may magku-kwestyon ng taga citizenship. ‘Yun lahat i-imbestigahan natin ‘yan kasama ang imbestigasyon, hearing na ginagawa ng Senado,” pahayag ni Pangulong Marcos.