Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Bangkay Ang nadiskubreng bangkay na palutang-lutang sa Manila Bay sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Manila.

Bangkay ng lalaki nakitang lumulutang-lutang sa Manila Bay

Jon-jon Reyes Nov 4, 2024
121 Views

NATAGPUAN ang palutang-lutang na bangkay ng lalaki sa Manila Bay sa baybayin ng Pier 18 sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila noong Linggo.

Nakilala ang biktima sa pangalang Jeffrey Bon Garcia sa pamamagitan ng kanyang tax identification number (TIN) ID na nakuha sa bulsa niya, ayon sa report.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard sa Vitas Sub Station sa pangunguna ni PO1 Randy Carpio, isang 10-taong gulang na lalaki ang unang nakakita sa biktima.

Nakasuot ng puting t-shirt at blue na maong ang biktima.

Nagresponde ang mga tauhan ng PCG at inahon ang bangkay. Walang nakitang bakas na pinatay ang biktima.