Santiago Nagbibigay ng pahayag si NBI Director Judge Jaime Santiago kaugnay sa isinagawang pagsagip ng mga operatiba sa mga biktima ng human trafficking sa Mandaue City.

Bar nag-aalok ng extra services; 20 ‘customer care assistants’ nasagip

Jon-jon Reyes Jun 26, 2024
139 Views

NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may 20 kababaihan na biktima ng human trafficking mula sa establisyimento sa Mandaue City .

Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago, nag-aalok ng extra o adult services ang naturang mga kababaihan.

Nanguna ang mga ahente ng NBI-Cebu District Office (Cebdo) sa pagsalakay sa isang bar sa kahabaan ng A.S. Fortuna Street sa Brgy. Banilad, Mandaue City

Naaresto rin ang isa sa supervisor ng bar na nakilalang si alyas “Rizal” na maaring maharap sa kaso ng paglabag sa anti-human trafficking laws.

Nag-ugat ang operasyon sa tip ng concerned citizen na umanoy may mga empleyado ang JTV Bar na sangkot sa prostitusyon.

Nagpositibo ang operstion sa pamamagitan ng undercover agents. Natuklasan din na maraming nagtatrabaho na receptionist bilang mga ‘customer care assistants.’

Sa halagang P600, magkakaroon na ng unlimited drinks ang kostumer saka ipapakilala sa kanila ng store manager o tinaguriamg “Mamasang” ang kanilang ‘customer care assistants.’

Karamihan sa mga kababaihan ay single mother o kaya gipit sa pera.

Nakipagkasundo ang undercover agent na kumuha ng dalawang babae at inalok ng dinner at motel.

Matapos bayaran ang dalawang babaeng empleyado, dinala na lamang sila ng mga enforcer sa isang malapit na safehouse kung saan nag-debrief ang mga social worker mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pagkatapos tinungo ng mga ahente ng NBI ang bar at nailigtas ang 18 pang empleyado mula sa establisyimento.

Kinilala rin nila si alyas “Novela” bilang Mamasang ng bar. Nagsampa ng kaso ng trafficking in persons ang NBI-Cebdo laban kay Novela. Magsasampa rin sila ng parehong kaso laban sa mga may-ari ng nasabing bar.