Barbers

Barbers: Joint military exercises welcome sa Surigao del Norte

Mar Rodriguez Sep 20, 2023
204 Views

PARA kay Surigao del Norte 2nd Dist. Congressman Robert Ace S. Barbers “welcome” sa kanilang lalawigan ang pagsasagawa ng “joint military exercises”.

DAhil dito hinihikayat ni Barbers ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States (US) military na inspeksiyonin ang nasabing lugar.

Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na wala silang pagtutol kung sakaling sa Surigao del Norte isagawa ang joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika o kaya ay bilang potensiyal na lokasyon para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ipinaliwanag ni Barbers na matatagpuan ang kanilang probinsiya sa Northeastern tip ng Mindanao na nakaharap sa Pacific Ocean. Kaya ipinahayag nito na kakayanin ng kanilang lalawigan na tanggapin ang malalaking naval ships ng Amerika gaya ng ipinagmamalaki nilang aircraft carrier.

“Our province is situated on the northeastern tip of Mindanao facing the Pacific Ocean. Its deep waters can accommodate the huge naval ships of the United States. It has a distinct advantage as it is openly facing the Pacific Ocean yet has an outlet to the West Philippine Sea,” ayon kay Barbers.

Nabatid pa sa kongresista na ang kanilang lalawigan ay strategic na lugar dahil mapipigilan ng AFP at US military ang posibleng pagpo-posisyon ng mga foreign forces at iba pang aktibidad na magsisilbing banta naman sa seguridad ng Pilipinas gaya ng kasalukuyang kaganapan sa WPS.

Binigyang diin ni Barbers na ang pagtatayo ng EDCA site ay maituturing na kapaki-pakinabang hindi lamang para sa pamahalaan. Bagkos para din sa mga Pilipino partikular na tuwing magkakaroon ng bago dahil mabilis na makakarating ang ayuda sa mga apektanong mamamayan.

Iginigiit din ni Barbers na mapapalago ng EDCA site sa Surigao del Norte ang ekonomiya ng lalawigan. Kung saan, wala na umanong magiging problema ang mangingisda na pinalalayas at pinagbabawalang mangisda ng tinatawag na “hostile forces” na nanggigipit sa mga sundalong Pilipino.