Calendar
Barbers sa mataas na rating ni Speaker Romualdez: ‘Nakaka-proud’
ANG mataas na trust at satisfaction rating na nakuha ni Speaker Martin Romualdez sa survey ng Octa Research ay magsisilbi umanong inspirasyon ng Kamara de Representantes upang mas magsumikap para matapos ang legislative agenda ng administrasyong Marcos.
Ito ang sinabi ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na nagsabi nitong Lunes na ang morale ng mga miyembro ng Kamara ay lalong tumaas sa nakuhang rating ni Speaker Romualdez.
“These ratings show that Speaker Romualdez’s efforts throughout the past year and a half haven’t gone unnoticed and unappreciated. While I’m sure that the good Speaker won’t gloat about it, for us House members, we are happy to see his hard work recognized. This gives us all the more reason reason to work harder for the benefit of Filipinos,” sabi ni Barbers.
“It further affirms our view of Speaker Romualdez, who is a quiet but good general. Walang masyadong satsat, trabaho lang. Nakikita na ito ng tao. Filipinos know results when they see it. And their recognition of the Speaker makes us very proud,” dagdag pang kongresista mula sa Mindanao.
Bagamat ang sesyon ng Kongreso ay naka-break, inatasan ni Speaker Romualdez ang mga komite na magsagawa ng mga pagdinig upang mapabilis ang pagpasa ng mga panukalang batas na makatutulong upang mapaganda ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Bago nag-adjourn ang sesyon noong Setyembre 27, inaprubahan ng Kamara ang panukalang P5.768 trilyong panukalang budget para sa 2024. Sa kaparehong araw ay inanunsyo ni Speaker Romualdez na natapos na ng Kamara ang lahat ng 20 prayoridad na panukala ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) list.
Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4, nakakuha si Speaker Romualdez ng 60 porsyentong trust rating at 61 porsyentong satisfaction rating.
Kung ikukumpara sa nakuha noong 2022, tumaas ang trust rating ni Speaker Romualdez ng 22 porsyento at 17 porsyento naman ang itinaas ng satisfaction rating nito.