CIDG Source: File photo

Baril, granada, shabu nasamsam ng CIDG sa Angeles City

357 Views

ANGELES CITY, Pampanga — Arestado ang isang 51-anyos na lalaki sa isang operasyon nitong Miyerkules sa Barangay Amsic kung saan nasamsam ang mga hindi lisensyadong baril, granada, bala, at hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P400,000.

Sa ulat kay CIDG RFU3 Col. Grant A. Gollod, kinilala ang suspek na si alyas Leo na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Angeles City Field Unit, PNP-Special Action Force (SAF) 25th SAC, at 25AB sa pangunguna ni Lt. Allan S. Casaclang Jr., base sa search warrant na inilabas ng Regional Trial Court, Angeles City para sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), RA 9516 (Illegal Possession of Explosives), at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa isinagawang pitong oras na operasyon at imbentaryo, nakumpiska ng pulisya ang isang Colt Government .45 pistol, Taurus 9mm pistol, Remington Rand .45 pistol, mga magasin at higit 70 piraso ng sari-saring bala; hand grenade; mga gamit na pangbawal na gamot; at 12 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng tinatayang 60 gramo na may halagang P408,000 sa kalsada.

Ayon sa CIDG, nakumpirma sa isinagawang surveillance na ang suspek ay sangkot sa ilegal na bentahan ng droga at nagtatago ng mga hindi lisensyadong baril.

Lumabas din sa beripikasyon ng RCSU-3 na wala siyang hawak na lisensya para sa mga nasabing armas.

Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa CIDG Angeles CFU para sa dokumentasyon.

Inihahanda na ang mga kasong kriminal laban sa kanya para sa paglabag sa RA 10591, RA 9516, at Sections 11 at 12, Article II ng