Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Bata hinostage, nang-hostage huli

Edd Reyes Apr 14, 2025
27 Views

HINOSTAGE ng isang lalaking gamit ang kutsilyong pangkatay ng baboy ang 2-anyos na batang babae noong Linggo sa Paranaque City.

Isang oras tumagal ang pakikipag-negosasyon ng mga tauhan ng Paranaque Law Enforcement Team sa suspek para pakawalan ang bata hanggang makakuha ng tiyempo si Pat. Samuel Melad at dinamba ang suspek kaya nabitiwan ang kutsilyo at nailigtas ang bata.

Lumabas sa ulat na pinag-tripan ng suspek na dayo lamang sa lugar ang ama ng bata subalit nang makita ang mga kaanak na tutulong biglang hinablot ang bata at itinakbo para gawing hostage.

Hinabol ang suspek ng mga kaanak hanggang abutan sa Bulungan Market sa Brgy. La Huerta at dito na pinagbantaang papatayin ang bata kung kukuyugin siya.

Maayos ang kalagayan ng bata pero sugatan at halos maputol ang daliri ni Pat. Melad dahil sa pagkakahawak sa kutsilyo ng hostage-taker.

Nakapiit sa custodial facility ng Paranaque police ang suspek na nahaharap sa mga kasong serious illegal detention, child abuse, alarm and scandal at illegal possession of bladed weapon.