Calendar

Metro
Bata nalunod sa balde ng tubig
Melnie Ragasa Jimena
Jun 10, 2025
15
Views
TODAS ang 2-anyos na batang lalaki matapos malunod sa isang balde na puno ng tubig sa Quezon City.
Nadiskubre ang bangkay ng biktima bandang alas-6:00 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Bago ang insidente, nakita ng lola ng biktima na naglalaro ang kaniyang apo bandang alas-5:00 ng hapon nitong. Alas-6:00 ng gabi ng magising siya at hinanap ang apo.
Laking gulat na lamang niya nang makitang nalunod na sa balde ang biktima. Hindi raw niya namalayan na nakapunta ito sa banyo.
Dinala pa sa Rosario Maclang Hospital ang biktima subalit idineklara ring dead-on-arrival.
Kabahayan sa QC nasunog; 3 sugatan
Jun 10, 2025
Pulis narecover CP ng Kano sa mga batang palaboy
Jun 10, 2025
Human trafficking suspek naaresto ng NBI
Jun 10, 2025
Kulong na, 2 bebot lalo pang makukulong
Jun 9, 2025