Bataan Binisita nina Gov. Joet Garcia at Col. Marites Salvadora ang kalagayan ng mga naapektuhan ng bagyo sa Almacen, Hermosa, Bataan.

Bataan gob ‘di napigil ni Uwan sa bigayan ng ayuda

Christian Supnad Nov 11, 2025
298 Views

BATAAN–Mahigit 50,000 katao ang naapektuhan at inilikas ng mga pulis at gobernador sa ligtas na mga lugar sa lalawigang ito habang umuupak ang bagyong Uwan.

Sina Bataan Gov. Joet Garcia at police director Col. Marites Salvadora ang personal na nag iikot sa mga barangay upang tingnan ang kalagayan ng mga naapektuhang taga-Bataan.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, may 15,396 pamilya o 50,199 indibidwal ang naapektuhan at inilikas sa mga evacuation centers.

Ilan sa mga naapektuhan ang taga-Hermosa, 204 indibidwal; Orani, 1,600 indibidwal;

Samal, 1,166 indibidwal; Abucay, 780 indibidwal; Balanga, 1,487 indibidwal; Pilar, 1,033 indibidwal; Orion, 2,826 indibidwal; Limay, 2,595 indibidwal; Mariveles, 1,967 indibidwal; Bagac, 33,954 indibidwal; Morong, 1,838 indibidwal; at Dinalupihan, 749 indibidwal.

Sa Brgy. Alas asin, Mariveles, nagkaroon ng clearing operations bago magmadaling araw ng Lunes.

Namigay din ng ayuda sina Gov. Garcia at Mayor Ann Inton sa mga nasalanta ng bagyo.

Ganun din sa bayan ng Limay kung saan nagpamigay ng pagkain sina Mayor Richie Jason David at Vice Mayor Grace David.