Batangas

Sugal bawal sa Batangas

426 Views

NILINAW ng Batangas police na hindi papayagan ang anumang sugal sa lalawigan.

Lumabas sa mga news online, na may ilegal na sugalan sa mga ‘peryahan’ sa lalawigan na ‘di-umano’y protektado ng PNP at ni Gob. Vilma Santos-Recto.

Makikita ang mga sugalan sa Lemery, Apacible sa San Nicolas, San Roque sa Bauan, Santiago sa Malvar, Padre Garcia, Magapi sa Balete, Darasa sa Tanauan City, San Roque at San Rafael sa Sto. Tomas City, Lobo at Lipa City.

Napatunayang mali ang impormasyon dahil walang nakalap na materyal na ebidensya upang patunayan ang mga akusasyon.

Patuloy ang pagsisikap ng Batangas police, ayon kay P/Col. Giovanny Sibalo, upang sugpuin, kung hindi man tuluyang puksain, ang lahat ng ilegal na sugal sa lalawigan.

Hinihimok ang publiko na umasa lamang sa mga impormasyong napatunayan mula sa lehitimong mga mapagkukunan, habang patuloy na pinoprotektahan ng pulisya ang integridad ng lalawigan at pinapanatili ang paghahari ng batas.

“Makatiyak kayo na patuloy na walang tigil ang Batangas PNP sa kampanya nito laban sa mga iligal na gawain,” sabi ni Col. Sibalo.