Calendar
Provincial
Lalaki na dumaranas ng depression nalunod, natagpuang bangkay
Jojo Cesar Magsombol
Nov 11, 2025
568
Views
ISANG lalake na umano’y dumaranas ng depresyon ang natagpuang patay at hihinihinalang nalunod sa baha sa Sitio Riverside, Brgy. Cawongan, Padre Garcia, Batangas noong Lunes.
Ang biktima ay nakalabas sa likod na pinto ng kanilang bahay.
Natagpuan ang bangkay ng biktima ni Simplecio Icaro Escueta sa bakanteng lote na puno ng tubig at natatakpan ng water lilies.
Ayon kay Mila Uy, ina ng biktima, matagal nang nagdurusa sa depresyon at sakit sa isip ang biktima.
Pumirma ang ina sa waiver bilang pagtalikod sa pagsasagawa ng autopsy sa paniniwalang ang kanyang anak ay namatay dahil sa pagkalunod.
Binata binuwis buhay para sa nalulunod na kaibigan
Nov 16, 2026
Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026

