Calendar
Bataan gov dumalo sa launching ng Bataeno pass
BALANGA CITY, Bataan--Inilunsad noong Miyerkules nina Gov. Joet Garcia sa Tourism Pavilion ang Bataeño pass, isang unified digital identification system na makatutulong magkaroon ng mas maayos na database.
Panauhing pandangal sa launching si New zealand Ambassador Dr. Catherine McIntosh.
Layunin ng event na maging mas episyente ang pagbibigay ng serbisyo publiko dahil magiging mas madali ang pagtukoy ng mga benepisyaryo sa tulong ng bagong ID system.
Sa tulong nito, mababawasan ang paulit-ulit na pagpapasa ng mga dokumento at magiging mas sistematiko para sa pamahalaan ang pagproseso ng iba’t-ibang transaksyon sa pampublikong tanggapan.
Sa kasalukuyan, sinimulan na ang pamamahagi ng physical cards sa ilang paaralan sa Bataan para magamit ito ng mga mag-aaral para sa attendance logging, pagkakaroon ng batayan sa pamamahagi ng school supplies.
Malaking tulong din ito sa kanilang mga guro dahil digital na ang pagproseso ng mga kinakailangang ulat at dokumento.
Ang paglulunsad sinaksihan ng delegasyon mula sa New Zealand embassy sa pangunguna ni Dr. McIntosh kasama sina Jonnie Haddon at Nedra Fu mula sa creative headquarters.
Dumalo din sina Vice Gov. Cris Garcia, mga miyembro ng sangguniang panlalawigan ng Bataan, mayors, barangay captains, iba’t-ibang partner agencies tulad ng Philippine Statistics Authority at Department of Information and Communications Technology na makakatulong sa integration Bataeño Pass sa eGov Super App at iba pang mga kinatawan mula sa pribadong sektor at organisasyon.