Bataan Ang hindi na madaanang kalsada sa Samal, Bataan dahil sa hangin na dulot ng bagyong Uwa

Bataan gov sinuspinde pasok sa paaralan, trabaho

Christian Supnad Nov 9, 2025
226 Views

BATAAN–Idineklara ni Gov. Joet Garcia na walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at sa trabaho, pribado man o gobyerno, sa Lunes dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Uwan.

Rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang pagsuspinde ng pasok sa eskwela at trsbaho upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng publiko, ayon sa gobernador.

Nasa signal no. 3 ang Bataan at karatig na lalawigan.

Samantala, nagtalaga si Limay Mayor Richie Jason David ng listahan ng mga designated evacuation centers sa bawat barangay ng Limay.

“Alamin at tandaan ang inyong itinalagang evacuation area upang maging handa sa anumang sitwasyon. Sa panahon ng kalamidad, ang kahandaan ay susi sa kaligtasan,” sabi ng mayor.

Nagpaalala sa lahat sina Gov. Garcia, Mayor David at Mayor Ann Inton ng Hermosa upang maging safety ang kanilang kababayan.

Pinayuhan ang may mahinang bahay na lumipat sa mga evacuation centers o makisilong sa mas matitibay na bahay.

Manatili din sa ligtas na lugar hanggang tuluyang makalabas ang bagyo.

Dapat ding lumikas mula sa mabababang lugar at tabing-ilog, at umiwas sa mga baybaying-dagat dahil sa posibleng pagbaha at storm surge.

“Patuloy na nakatutok ang pamahalaang bayan ng Limay sa sitwasyon ng ating bayan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Limayan,” ani Mayor David.