Calendar
Relief goods sa Laguna handa na
STA. CRUZ, LAGUNA–Handa na tumulong ang Laguna sa mga sasalantain ng bagyo sa pamamagitan ng repacking ng mga groceries at relief goods.
Pasimuno ang Public Affairs Office at AKAY ni Gob Action Center sa pamumuno ni Marlon Vendivel ang repacking upang matiyak na agad maipapamahagi ang tulong sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo.
Inaasahang magdadala ng malalakas na ulan at hangin ang bagyong Uwan, kaya’t patuloy ang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan upang mapangalagaan ang mga mamamayan.
Ayon kay Vendivel, bahagi ng maagap na hakbang ng lalawigan ang pagbabalot ng goods upang matiyak na maibibigay agad ang tulong sa mga lugar na maaapektuhan sa oras na lumala ang lagay ng panahon.
Nagbigay rin ng ulat si dating Luisiana Vice Mayor Luibic Jacob hinggil sa paghahanda ng lokal na pamahalaan.
Binanggit niya ang tuloy-tuloy na koordinasyon ng mga tanggapan ng munisipyo, mga barangay at ng provincial disaster response team.

