Bataan Tinanggap si Century Peak Holdings Corp. chairman at CEO Wilfredo “Willy” D. Keng (kaliwa) sa Bataan nina Cong. Abet Garcia, Mayor Jopet Inton, Jon Arizapa at Bondyong Pascual. Kuha ni Christian Supnad

Bataan magkakaroon ng bagong investor

Christian Supnad May 25, 2025
19 Views

ORANI, Bataan–Magi-invest sa Bataan ang Century Peak Holdings Corp. na pinamumunuan ni Wilfredo “Willy” D. Keng, ang chairman, president at chief executive officer ng kompanya.

Ang Century Peak may stakes sa general construction at construction-related activities, land reclamation development, mining at power.

Lumitaw ang development na ito matapos bumisita noong Sabado sa ilang lugar sa Orani at Hermosa si Keng sa invitation of Cong. Abet Garcia at Mayor Jopet Inton.

Si Keng din ang presidente ng Century Hua Guang Smelting, Inc.; Century Peak Corp., Colony Investors, Inc.; chairman ng Century Sitewide Smelting, Inc.; Balikbayan Shopping Mall Corp.; Carriedo Plaza Mall; Century Summit Carrier, Inc.; Good Earth Plaza at U-Need Shopping Center.

“Upang palakasin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga mamumuhunang magpapalakas sa komersyo at industriyang magbibigay ng maraming trabaho sa Bayan ng Hermosa at Orani, naglahad ng presentasyon kay G. Willy Keng ng Century Peak Holdings Corp ang inyong lingkod na Mayor Inton kasama si Cong. Abet Garcia,” sabi ni Mayor Inton.

Tinanggap si Keng nina incoming mayor Jon Arizapa ng Orani, Department of Agriculture Assistant Secretary Atty. Joyce Panlilio, Orani Mayor Bonjong Pascual, Vice Mayor Em Roman at mga officers at employes ng provincial government of Bataan at pamahalaang bayan ng Orani.