Garcia1 Buong pagmamalaking tinanggap nina Provincial Assessor Engr. Ricky Herrera at provincial treasurer Alice R. Magtanong ang parangal para sa Lalawigan ng Bataan bilang Top 1 sa Ratio of Locally Source Revenues to Total Current Operating Income (FY 2024) at Top 6 sa Locally-Sourced Revenue Collections (FY 2024).CHRISTIAN D SUPNAD

Bataan muling pinarangalan

118 Views

MULING pinarangalan ang Lalawigan ng Bataan, kabilang ang dalawang bayan, sa ginanap na 38th Bureau of Local Government Finance (BLGF) Stakeholders’ Recognition sa SMX SM Aura, BGC, Taguig City.

Ito ang inihayag ngayong Biyernes ni Gov. Joet S Garcia na nagsabing hindi lang ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng recognition ang lalawigan ng Bataan.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay tumanggap din ang Bataan ng karangalan sa 37th BLGF Stakeholders’ Recognition.

Pinangunahan nina Department of Finance Undersecretary Bayani Agabin at BLGF Executive Director Consolacion Agcaoil ang paggawad ng mga parangal, na tinanggap nina Provincial Treasurer Alice Magpantay at Provincial Assessor Engr. Ricky Herrera para sa Lalawigan ng Bataan bilang: Top 1 sa Ratio of Locally Source Revenues to Total Current Operating Income (FY 2024) at Top 6 sa Locally-Sourced Revenue Collections (FY 2024).

Tumanggap din ng parangal ang bayan ng Mariveles sa pangunguna ni Mayor AJ Concepcion at Mayor Richie David ng Bayan ng Limay na napiling mahuhusay sa pamamahala ng pananalapi.

“Ang mga parangal na ito ay patunay nang tapat, mahusay, at maayos na pamamahala sa ating mga lokal na yaman lalo na sa mahusay na pangangalap at pamamahala ng locally sourced revenues,” ani Gov. Garcia.

Sa Limay, nagkamit naman ng dalawang Plaque of Recognition ang bayang ito na iginawad mismo ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) sa ginanap na 38th Anniversary Stakeholders’ Recognition at ng Department of Finance.

Ito ang masayang ibinalita kanina nina Mayor Richie Jason David at Vice mayor Grace David na tinawag nilang ” tagumpay ng Bayan ng Limay.”

Ayon sa DOF, ang Limay ay nakamit ang RANK # 1 sa Top 10 Performing Municipalities para sa Ratio of Local Revenues to Total Current Operating Income samantalang Rank # 3 naman sa Top 10 Municipalities para sa Local Source Revenues ang bayang ito.

Ngunit pinaliwanag nina Mayor at Vice mayor David na ang tagumpay na ito ay nagsimula panunungkulan sa kanilang yumaong ama na si Nelson C. David. ( NCD).

“Isang malugod na pasasalamat at dedikasyon ang parangal na eto sa aking ama late Mayor NCD,dating treasurer Ate Baby Atienza at sa mga kasama kasulukuyang sa lingkod-bayan sa kanilang patuloy na suporta kasama rin ang Province of Bataan at sa lahat ng mga negosyante at major stakeholders sa ating bayan na patuloy na nagtitiwala sa ating liderato at higit sa lahat sa taong bayan na nagbigay ng tiwala at karangalan para tayo ay makapagsilbi at maging parte ng patuloy na magandang pagbabago at pagpapala ng ating Mahal na bayan,” pahayag ni Mayor David.

Kasama rin sa tumanggap ng parangal Treasurer John Carlo Oracion, Municipal assessor Jocelyn Linao at Budget officer Maureen Guinto.