Garcia Ayon kay Bataan Gov. Joet Garcia, layunin ng orientation “na magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral tungkol sa mga pang-aabuso partikular sa pang-aabusong sekswal na maaaring maranasan ng mga kabataan at kababaihan, lalo na ngayon na halos lahat “online” na o gumagamit ng internet.”

Bataan students sumailalim sa orientation sa OSAEC

Christian Supnad Aug 31, 2024
83 Views

DINALUPIHAN, Bataan–Sumailalim ang mga batang estudyante sa orientation on online sexual abuse or exploitation (OSAEC) sa Bonifacio Camacho National High School sa Abucay, Bataan.

Sinabi ni Gov. Joet Garcia na layunin ng gawaing ito “na magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral tungkol sa mga pang-aabuso partikular sa pang-aabusong sekswal na maaaring maranasan ng mga kabataan at kababaihan, lalo na ngayon na halos lahat “online” na o gumagamit ng internet.”

Tinalakay din nina Gov. Garcia sa programa ang mga paraan kung paano ito maiiwasan at ang mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga kabataan at kababaihan laban sa mga pang-aabuso.

“Katuwang po natin sa programang ito ang Provincial Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (PCAT-VAWC), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Department of the Interior and Local Government (DILG), Provincial Prosecutor’s Office, WCPD Unit PCPST at Sangguniang Panlalawigan,” ani Garcia.

Ayon sa ulat, “One in 9 girls and 1 in 20 boys under the age of 18 experience sexual abuse or assault. Eighty-two percent of all victims under 18 are female.

Females ages 16-19 are 4 times more likely than the general population to be victims of rape, attempted rape, or sexual assault.”