Calendar
Source: File photo
Provincial
Batang babae nalunod sa Pampanga dam
Bernard Galang
Jun 29, 2025
524
Views
ISANG nawawalang 12-anyos na batang babae ang natagpuang lumulutang sa Gumain Dam noong Sabado sa Brgy. San Pedro, Floridablanca, Pampanga.
Sa ulat kay PRO-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ang biktima na estudyanteng babae na may problema sa pag-iisip.
Isang miyembro ng rescue team ang nagpaalam sa mga pulis ng Floridablanca ang tungkol sa lumulutang na katawan sa Gumain Dam.
Sinabi ng ina ng biktima sa mga pulis na hindi nakauwi ang anak niya paglabas sa paaralan.
Tumanggi ang pamilya na suriin ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng biktima sa paniniwalang aksidente itong nalunod.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

