Tulfo1

Illegal logger, illegal quarry syndicate sa CamSur pinahuli sa NBI ni Senator-elect Erwin Tulfo

398 Views

ARESTADO sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang chairman ng Pasacao, Camarines Sur at ilan pang kasamahan dahil sa illegal logging at quarrying batay na rin sa reklamo ng mga residente.

Hunyo nang lumapit ang ilang residente ng Pasacao kay Senator-elect Erwin Tulfo para isumbong ang walang habas na iligal na pagputol ng mga kahoy at iligal quarry sa nasabing lugar.

Agad namang nakipag-ugnayan si Sen. Tulfo kay NBI Dir. Jaime Santiago para matuldukan na ang pang-aabuso sa kalikasan sa naturang lugar.

Kasamang nahuli ng NBI ang mga ilang miyembro umano ng sindikato na nagbebebta ng mga iligal na pinutol na kahoy sa mga NBI agents.

Laking pasalamat ng mga residente kay Tulfo at sa NBI sa pagkahuli sa sindikato na matagal ng nilalapastangan daw ang kanilang gubat at mga bundok.