Calendar
Provincial
Kinakatok ayaw magbukas, todas natagpuan
Jojo Cesar Magsombol
Jun 29, 2025
393
Views
NANGANGAMOY na ng matagpuan ang 54-anyos na babae sa 3rd floor ng La Meravigliosa apartment sa Saint Gregory St., Phase 2, Adelina Homes, Brgy. San Carlos, Lipa City noong Biyernes.
Base sa imbestigasyon, kararating lang ni Sarita Limsiaco Geocadin at binisita ang biktimang si alyas Merlyn sa kanyang apartment nang mapansin niyang naka-lock ang pinto at bintana at may masangsang na amoy.
Ilang beses niyang kinatok ang pintuan at bintana subalit walang sumasagot kaya nagpasya siyang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.
Nang mabuksan ang pinto, tumambad sa kanila ang nakahandusay na biktima na hubo’t-hubad at wala nang buhay.
May mga mantsa ng dugo sa kanyang pribadong bahagi at kanyang bedsheet.
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026
7TH MOBILE CLINIC NG SM FOUNDATION
Oct 10, 2026
2 LPA binabantayan, bagyo nasa labas ng PAR
Oct 10, 2026
Karagatan ng Batangas niyugyog ng M3.8 na lindol
Oct 10, 2026
Pamilya nalibing ng buhay sa Cebu landslide
Oct 9, 2026

