Calapan

Calapan landless may lupa sa tulong ng HOPE

296 Views

TINANGGAP ng mga kasapi ng Sunrise Homeowners Association, Inc. ng Brgy. Pachoca, Calapan City ang mga titulo ng lupa matapos makumpleto ang amortisasyon na ipinagkaloob sa kanila sa ilalim ng Community Mortgage Program (CMP).

Ang CMP ang isa sa mga component projects na HOPE (Housing Opportunities Towards People Empowerment) noong si Rep. Arnan Panaligan ay mayor pa.

Pagkalipas ng ilang taon, marami sa mga benepisyaryo ng HOPE program ay nakatanggap na ng mga titulo ng lupa na ipinagkaloob sa kanila.

Naging katuwang sa programa ang Socialized Housing and Finance Corporation (SHFC). Dumalo sa pamamahagi ng mga titulo ang mga kawani ng SHFC sa pangunguna ni Jimmy Manes, OIC, Vice President, South Luzon Group.

Umaasa si Rep. Panaligan na ang Calapan, sa pamumuno ni Mayor-elect Doy Leachon, magsusulong ng komprehensibong housing and land tenure program.