Calendar
Batangas City naglunsad ng MAC
INILUNSAD noong Agosto 26 sa Batangas City ni Mayor Marvey Mariño ang 24/7 Mayor’s Action Center (MAC) Hotline 0999-222-6626 para tumugon sa mga health
emergency services ng mga residente.
Ayon kay Mayor Marvey, katuparan ito ng kanyang pangako na maghatid ng mas mabilis na serbisyong medikal sa lahat ng residente.
Hihingin muna ng operator ang ilang personal na detalye ng pasyente at kondisyon kaya hinihikayat ang mga pasyente na makipag-ugnayan sa kanilang punong barangay at barangay health worker (BHW), ayon kay Mayor Mariño.
Bukod sa health emergencies, maaaring ding ireport sa MAC hotline ang mga insidente na nangangailangan ng responde mula sa
City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), police, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang kaukulang ahensya.
Sasagutin din ng hotline ang mga katanungan ukol sa iba’t-ibang programa ng MAC tulad ng medical at burial assistance, scholarship programs,
at iba pang serbisyong pangkomunidad.
Maaari ring i-refer ng operator ang tawag sa tamang tanggapan depende sa pangangailangan ng caller.
“Inilunsad natin ang MAC hotline dahil kailangang sagutin at mabilis na tugunan ang pangangailangan ng ating mamamayan,” pahayag ni Mayor
Marvey.
Ibinahagi rin ng mayor ang ilan pang plano upang palawakin ang serbisyong pangkalusugan, kabilang ang pagdaragdag ng EBD Health Card-accredited hospitals at laboratories at mga karagdagang benepisyo para sa senior citizens lalo na sa pagbili ng gamot.
Dumalo sa opisyal na paglulunsad sina Vice Mayor Alyssa Cruz, Konsehal Aileen Arriola-Montalbo at Michael Villena.
Ang MAC hotline 0999-222-6626 ay dapat tawagan lamang para sa mga opisyal at lehitimong pangangailangan at hindi para sa mga walang kabuluhang tawag, ayon sa mayor.

