Sen. Risa Hontiveros Sen. Risa Hontiveros

Batas igalang, sumunod sa legal na proseso, payo ni Sen. Hontiveros kay Sen. Dela Rosa

52 Views

HINIMOK ni Sen. Risa Hontiveros si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na igalang ang batas at sumunod sa mga legal na proseso kaugnay sa warrant of arrest ng International Criminal Court.

“The rule of law should always prevail. Dapat manaig ang pagrespeto sa batas at prosesong legal,” sinabi ni Hontiveros.

Muli siyang nanawagan kay Dela Rosa na makipagtulungan sa mga awtoridad. Sinabi ni Hontiveros na ipinagdarasal niya ang mapayapa at legal na resolusyon sa sitwasyon na nakaapekto na sa ilang institusyon sa bansa.

Ipinahayag ito ni Hontiveros habang patuloy na kinakaharap ng Senado ang mga tanong tungkol sa legal na sitwasyon ni Dela Rosa at sa kakayahan ng kapulungan na mapanatili ang kaayusan, dignidad at tiwala ng publiko.

Ang maaaring mangyari kung susuko o maaaresto si Dela Rosa ay nakadepende sa magiging hakbang ng gobyerno at sa anumang legal na remedyo na maaari niyang ihain sa mga korte sa Pilipinas.

Dapat dumaan ang usapin sa mga legal na proseso, habang ang magiging hakbang ng gobyerno at mga remedyo sa korte ang magtatakda ng mga susunod na pangyayari, ayon sa senador.