Calendar
BBM Camp: Fake news tigilan na
Atty Rodriguez: People deserve more than gutter politics
IGINIIT ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na pawang “fake news” ang kumakalat na impormasyon sa social media na hindi na sasali sa debate ang mga kandidato ng UniTeam.
“The statement being attributed to me with the title, ‘WALA NG DEBATE PARA SA MGA KANDIDATO NG UNITEAM MAGMULA PRESIDENTE HANGGANG KONSEHAL,’ is a complete falsity and downright lie,” ani Rodriguez kahapon.
“Isa po syang fake news o pekeng impormasyon na may layong iligaw ang ating mga kababayan mula sa katotohanan. There is no such statement coming from me nor the BBM-Sara UniTeam,” dagdag pa Rodriguez.
“Ito’y pakana ng mga katunggali ni Marcos aniya, na gumagamit ng “gutter politics” dahil sila ay desperado na. Inaasahan niyang mas lalala pa ang paninirang ito sa kagsagan ng kampanya.”
“This election is all about the future and as such, we the Filipino people deserve more than your gutter strategy. I appeal to those behind this to please respect the intellect and dignity of the people, practice restraint in the spread of your fake news and outrageous lies,” sabi ni Rodriguez.
“The time has come for you to show love for our country and we invite you to join us in our efforts to elevate the level of discourse and end your destructive culture of gutter politics,” dagdag pa niya.