BBM1

BBM hindi makikipagkasundo sa mga kalaban ng estado para lang manalo

227 Views

HINDI umano makikipagkasundo si UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kalaban ng gobyerno para lamang manalo sa halalan.

“Sa kampanyang ito hindi si Bongbong Marcos, hindi nakipag-usap sa mga grupo na gustong ipabagsak ang gobyerno. Sa kampanyang ito hindi siya nakipagkasundo sa mga tao o mga grupo na sumusuporta sa mga grupo na gustong ipabagsak ang gobyerno,” sabi ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ang hindi pakikipagkasundo ni Marcos sa mga kalaban ng gobyerno ay bahagi ng talumpati ni Duterte kung saan ikinuwento niya ang sinapit ng kanyang kababayan na si Larry.

Ayon kay Duterte noong Abril 2017 ay sinunog ng mga armadong grupo ang isang box plant sa Davao City.

Sa pagtakas ng mga armadong kalalakihan ay nag-iwan umano ang mga ito ng bomba. Nadamay sa pagsabog si Larry na namatay matapos ang tatlong araw.

Ayon kay Duterte sa cellphone ni Larry ay mayroong mensahe kung saan binati nito ang kanyang misis sa kanilang anibersaryo.

Sinabi ni Duterte na hindi niya makakalimutan ang kuwentong ito at palagi nitong naaalala kapag nakikita ang kanyang bunsong anak na dalawang buwan pa lamang ng mangyari ang pagsabog.

“As a mayor, pag ikaw namamatayan na ganyan, hindi mo ‘yan makakalimutan,” sabi ni Duterte.

“Anong koneksyon ni Larry kay Bongbong Marcos? Sa kampanyang ito, hindi si Bongbong Marcos nakipag usap sa mga grupo na gustong ipabagsak ang gobyerno, sa kampanyang ito hindi siya nakipagsundo sa mga tao o mga grupo na sumusuporta sa mga grupo na gusto ipabagsak ang gobyerno. Yan si Bongbong Marcos, hindi niya yan ginawa para lang Manalo siya, yan si Bongbong Marcos iboto niyo. Bongong Marcos will never sleep with the enemies of the state, never,” sabi pa ng Davao City Mayor.