Sen. Win: May pakinabang ba tayo sa K12?
Apr 11, 2025
Mukhang handa na sa kasalan
Apr 11, 2025
Calendar

Nation
BBM kuha mahigit kalahati ng boto—Pulse Asia
Ryan Ponce Pacpaco
Apr 6, 2022
260
Views
NAPANATILI ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kanyang kalamangan sa mga kalaban sa presidential election, ayon sa survey ng Pulse Asia Research Inc.
Sa survey na isinagawa mula Marso 17 hanggang 21, nakuha ni Marcos ang mahigit sa kalahati ng boto. Nakapagtala ito ng 54%.
Malayong pumapangalawa naman si Vice President Leni Robredo na nakapagtala ng 24%.
Sumunod naman sina Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 8%, Sen. Manny Pacquiao na may 6% at Sen. Panfilo Lacson na nakapagtala ng 2%.
Kinuha sa nationwide survey ang opinyon ng 2,400 representative na edad 18-anyos pataas sa pamamagitan ng face-to-face interview. Ang survey ay mayroong sampling error margin na ± 2%.
Sen. Win: May pakinabang ba tayo sa K12?
Apr 11, 2025
Sen. Raffy: Mga kalsada dapat inspeksyunin
Apr 11, 2025